₱1,000 dagdag pensiyon, makukuha na simula bukas

Simula bukas (March 3), maari nang makuha ng mga pensioner ng Social Security System (SSS) ang ₱1,000 dagdag sa kanilang pensyon.

Ayon sa SSS, ngayon mayroon na silang halos 2 milyong pensyonado.

Sinabi ng SSS na umabot na sa ₱2B ang naideposito ng SSS at bukas available na ito para ma-withdraw ng mga pensioner.

Magugunitang retroactive ang inaprubahang dagdag pensyon mula Enero ngayong taon.

Ang susunod na dagdag na isang libong piso  ay ibibigay naman ng SSS sa March 10 at 17.

Please follow and like us: