₱1,000 dagdag sa mga SSS Pensioner may go signal na ng Malakanyang

memo,

Inaprubahan na ng Malacañang ang memorandum na nag-aatas sa Social Security System o SSS na simulan nang ibigay ang ₱1,000 increase sa pension ng mga SSS pensioners.

Batay sa Memorandum na pirmado ni Executive Secretary Saldavor Medialdea na may petsang Pebrero 22, retroactive ang pamamahagi ng pension simula January, 2017.

Sinabi naman ni SSS President Emmanuael Dooc, ibibigay sa mga pensioners ang January differential na  ₱1,000  sa March 3; sa March 10 ang February differential at sa March 17 ang March differential.

Sa Abril, ang pension increase ay maisasama na sa regular pension ng mga SSS pensioner.

Ulat ni : Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us: