1.7 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Lanao del Sur; isang suspek, patay

Nasa kabuuang 1.7 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa magkakahiwalay na police operation sa Lanao del Sur.

Ayon kay Col. Rex Derilo, Lanao del Sur provincial police director, isa sa mga drug suspect ang namatay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa bayan ng Balabagan.

Nakilala ang napatay na suspek na si Cading Omar, na may warrant of arrest for murder.

Samantala, 26 na iba pang drug suspect ang nadakip sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan na sangkot sa mga krimen gaya ng drug trafficking, pagnanakaw at pagpatay.

Ayon kay Derilo, nakakulong na ngayon ang lahat ng mga suspek na may mga pending cases din sa mga korte.

Sa operasyon, nakakumpiska ang mga pulis ng iba’t-ibang high-powered firearms maliban sa shabu.

Please follow and like us: