1 Patay, 7 sugatan, matapos bumangga ang isang Patrol Car ng PNP sa Antique

Isa ang patay, habang pito ang sugatan, matapos mawalan ng kontrol ang isang mobile patrol car ng PNP sa Simbalom, Antique. 


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, binabagtas ng mga sakay na pulis ang patrol car nang biglang iniwasan nito ang isang motorsiklo na bigla na lamang lumiko.


Bumangga sa bakod ang sasakyan na nagresulta sa pagkasugat ng pito nitong sakay. 

Nagtulong-tulong naman ang mga residente sa lugar para maasistehan ang mga sugatang pulis at maitayo ang tumagilid na sasakyan.


idineklara namang dead on arrival ang isa sa mga biktima na nadala pa sa ospital sa San Jose, Antique.


Ulat ni Raindel Servento

Please follow and like us: