10 bahay tinupok ng apoy sa Boracay Aklan.

Sumiklab ang sunog sa Zone 3 , Sitio Sinagpa, Brgy Balabag, Malay, Aklan.


Ayon sa Boracay BFP, malaki at malawak ang naging pinsala ng apoy. 

Umabot ng mahigit isang oras bago naapula ang apoy. 

Tinataya namang nasa mahigit sampung bahay ang nasunog at aabot sa mahigit 300,000 piso ang iniwang pinsala ng sunog.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa nangyaring sunog.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.

Ulat ni Jane Malicse

Please follow and like us: