10 unit ng mga Bagong Bus sa Leyte na nakapasa sa modernization program ng DOTR, pinayagan nang makabiyahe.

Nagsagawa ng launching ceremony ang LTFRB at DOTR region 8 para sa mga bagong bus na bibiyahe sa leyte province  na nakatugon sa modernization program ng Pamahalaan. 

Pinangunahan ito ng mga opisyal mula sa Regional offices ng DOTR at LTFRB ng Eastern Visayas sa Tacloban City. 
Ayon kay LTFRB Reg. 8 Director Gualbeto N. Gualberto, 10 unit ng mga bagong bus mula sa kumpanyang Visayas Liner ang nakatugon sa Modernization Program ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Transportation o DOTR.
Ang 10 unit ng bus ay may biyaheng Tacloban City to Ormoc City Vice Versa at Tacloban City to Naval Vice Versa
Umaasa naman ang mga opisyal ng DOTR at LTFRB Region 8 na makakatulong ito sa publiko lalo na sa mga mananakay sa kanilang lalawigan na bumibiyahe sa kanilang lugar araw-araw sa kabila na may pandemiya pang umiiral sa bansa dahil sa Covid 19.


Ulat ni Nicol Ragay 

Please follow and like us: