1,069 dancing “Dobi Robots” ng Guangzhou, China, nasungkit ang Guinness World Record

Nakapagtala ang China ng panibagong Guinness World Record para sa Most Humanoid machines dancing simultaneously.

Nasungkit ng W-L Intelligent Technology Co. Ltd mula sa Guangzhou, Guangdong China ang world record matapos nilang mapagsayaw ng sabay-sabay ang umaabot sa 1,069 Dobi Robots.

Ang mga dancing robots ay nai-program sa pamamagitan ng singular group control system na siyang kumukontrol dito upang makapagsalita, makapag TaiChi at makapag-sayaw.

Naagaw ng nasabing kumpanya ang titulo mula sa Ever Win company & Ltd. na nakapagpasayaw naman ng mahigit sa 1,007 Robots.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *