11,028 bagong COVID-19 cases, naitala ng DOH

Nadagdagan ng 11,028 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Linggo, Abril 4, 2021.

Gayunman, higit na marami naman ang nakarekober sa sakit na umaabot sa 41,205.

Dahil dito, ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan a 135,526.

Dalawa naman ang nadagdag sa bilang ng namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa na umaabot na ngayon sa 795,051,, 17.0% (135,526) ang aktibong kaso, 81.3% (646,100) na ang gumaling, at 1.69% (13,425) ang namatay.

Please follow and like us: