112 senior citizen sa General Trias City Cavite, nakatanggap na ng Covid 19 Vaccine

Nakatanggap na ng Bakunang Sinovac ang 112 Senior Citizen sa General Trias City Cavite.

Matapos bakunahan ang mga health care worker sa lungsod ay agad nang isinunod ang mga kabilang sa A2 priority list o ang mga senior citizen na gustong makatanggap ng bakuna.

Ayon kay General Trias City Mayor Ony Ferrer, ang mga kabilang sa priority list na nagpabakuna ay para may panlaban sa nakamamatay na virus.

photo courtesy: city of gen.trias.government

Sinabi pa ng alkalde na sa mga nais magpabakuna ay maaring makipag-ugnayan ang mga residente sa mga barangay health workers sa kanilang lugar upang maisama sa listahan ang kanilang mga pangalan para makatanggap ng bakuna o di kaya naman ay magpalista thru online gamit ang link na www.generaltrias.gov.ph/cho/covax

Please follow and like us: