PBBM, dumating na sa Singapore; Makikipagpulong sa OFWs

Dumating na sa Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa second leg ng kaniyang state visit mula sa Indonesia.

Una sa listahan ng aktibidad ng Pangulo ang pakikipagkumustahan sa Pilipino communtiy sa University Cultural Center.

Dumating si PBBM sa Singapore Changi Airport bago mag-ala una ng tanghali.

Gaya sa Indonesia, makikipagpulong ang Pangulo sa ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Singapore na pawang masaya na makita si PBBM.

Sa tala, nasa mahigit 2,000 ang mga OFW sa nasabing bansa kung saan ay nasa 84,000 ang domestic workers.

Ang mga OFW sa Singapore ay kabilang sa mga may malaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang remittances.

Eden Santos

Please follow and like us: