12,674 bagong kaso ng COVID-19, naitala ngayon ng DOH

Muli na namang nakapagtala ang Department of Health ng pagtaas sa bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ngayong araw, nakapagtala ang DOH ng 12,674 bagong ng kaso ng COVID -19.

Dahil rito, umakyat na sa 853,209 ang kabuuang kaso ng COVID-19 infection sa bansa. Pero sa bilang na ito, 190,245 ang aktibong kaso.

May 593 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 648,220 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

Muli ring nakapagtala ang DOH ng pagtaas ng bilang ng bagong nasawi na nasa 225.

Pero paglilinaw ng DOH ang 49 rito ay dating naisama sa listahan ng mga nakarekober mula sa virus.

Matapos ang pinal na beripikasyon ay natukoy na nasawi na pala ang mga ito.

Sa ngayon, umakyat na sa 14,744 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa covid 19.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: