13 U-turn slots sa EDSA, isasara – MMDA

Labing tatlong U-turn  slots ang nakatakdang isara sa mga motorista sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago, ito ay para bigyang daan ang itinalagang Bus lane sa EDSA.

Sinabi ni Asec.Pialago na ang mga U-turn slot  na ito ay nasa apat na lungsod na kinabibilangan ng Caloocan, Makati, Pasay at lungsod ng Quezon.

Dagdag pa ng opisyal, inagapan nila ang pagbibigay ng nasabing traffic advisory upang maagang maabisuhan ang mga motorista.

Pinapayuhan ang mga motorista na mangyaring dumaan na lamang sa mga alternatibong rutang ibibigay ng MMDA.

Una nang inihayag ng MMDA na posibleng magsilbing “connecting road” ang EDSA kasabay ng mga pagbabago sa pagtatalaga ng bike at bus lanes.

Please follow and like us: