141 milyong pisong halaga ng iligal na droga, nasabat ng Customs sa isang warehouse sa Pasay City

Aabot sa 20.8 kilo ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa warehouse ng FedEx sa Pasay City.

Ayon sa BOC, ang nasabing droga ay nakalagay sa dalawang parcel na idineklara bilang speaker at mula sa Estados Unidos.

Nadiskubre ma iligal na droga ang laman ng mga nasabing parcel matapos isailalim sa eksaminasyon ang mga ito at nang isailalim sa pagsusuri nakumpirmang shabu ito.

Tinatayang nagkakahalaga ng mahigit 141 milyong pisong halaga ang mga nadiskubreng droga.

Ang mga nadiskubreng shabu ay ituturn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang imbestigasyon.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us: