144,061 na active cases,naitala ng DOH

Umabot na sa 144,061 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 14,786 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 894 ang naitalang bagong gumaling.

May 164 namang naiulat na bagong nasawi dahil sa virus,kaya umabot na sa 38,656 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID- 19.

Sa ngayon ay 2,580,173 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,397,456 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: