15 Milyong pisong halaga ng dried marijuana leaves, nasabat sa Buy-Bust operation sa Bulacan

Nasabat ng operatiba ng Meycauayan police Drug Enforcement Unit ang aabot sa 55 kilo ng marijuana sa isinagawang Buy-Bust operation kagabi sa Barangay Pantoc, Meycauayan, Bulacan.

Nagpanggap ng Posuer-Buyer ang isa sa mga operatiba at ng nagkaroon na ng pagkakataon dito na inaresto ang dalawang suspect.

Nakilala ang mga suspect na sina Ednilyn Bautista alyas Ed at isang alyas Abby.

Ayon kay Bulacan Provincial Director Chito Bersaluna, posibleng supplier din ang nga suspect sa ilang mga lugar sa Bulacan.

Matagal na din anilang minomonitor ang mga suspect.

Sa kabuuan aabot sa 50 dried marijuana bricks na nagkakahalaga ng 15 milyong piso ang nasabat sa mga suspect.

Samantala mahaharap naman sa kasong paglabag sa RA-9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspect.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *