17 patay sa suicide bombing sa Somalia

Labing-pito ang patay matapos ang pagsabog ng suicide car bomb sa Mogadishu, Somalia.

Ayon kay Police Capt. Osman Mohamed tangka ng nasabing grupo ang pag-assassinate sa bagong Somali military chief na si Gen. Ahmed Mohamed Irfid.

Naganap ang pagsabog sa busy street ng military academy at ministry of defense headquarters kung saan tinangka ng suspek na ibangga ang sasakyang lulan ni Irfid.

Inako naman ng terror group na Al-Shabaab ang nasabing insidente.

 

Please follow and like us: