18 pasahero sugatan matapos mahulog ang sinasakyang jeep sa Tuba, Benguet.

Isinugod sa ospital ang 18 pasahero matapos mahulog sa bangin ang jeep na sinakyan ng mga ito sa Sitio Luding, Poblacion, Tuba, Benguet.

Ayon sa Tuba Municipal Police Station, may lalim na 98 metro ang bangin kung saan nahulog ang jeep.

Nakilala ang driver ng jeep na si Ricky Patras, 27-anyos, isa sa mga sugatan, habang hindi pa nakikilala ang mga pasahero nito.

Ayon sa Tuba Emergency Medical Services, nagtamo ang ilan sa mga pasahero ng minor injury habang malubha namang nasugatan ang iba sa mga ito.

Napag-alam sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na nagresulta sa disgrasya.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng pinaka-huling imbestigasyon ng mga otoridad para sa identity ng mga pasahero na  ginagamot pa sa ospital.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *