19 Immigration officers na sumakay sa mga barko galing China, naka-home quarantine na

Naka-home quarantine na ang 19 na Immigration officers na sumakay sa limang cruise ships na galing sa China, Hongkong at Macau.

Ayon sa Bureau of Immigration, ito ay bahagi ng preventive measure dahil sa banta ng 2019 Novel Coronavirus.

Ang mga barko ay dumating sa pagitan ng Enero hanggang Pebrero.

Nilinaw naman ng BI na hindi nakitaan ng sintomas ng sakit ang mga Immigration officers maging ang mga pasahero na kanilang ininspeksyon sa mga cruise ships.

Ito ay batay sa assessment ng Bureau of Quarantine na parte ng boarding teams na nag-inspeksyon sa mga barko.

Iginiit ng BI na walang dapat ikabahala sa paglagay sa home quarantine sa mga Immigration personnel dahil ito ay para matiyak na ligtas mula sa sakit ang kanilang mga tauhan.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: