19% ng target population sa CALABARZON, fully-vaccinated na laban sa COVID-19

Umaabot na sa mahigit 2.19 milyong indibiduwal sa CALABARZON ang nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, katumbas ito 19% ng target na populasyon sa rehiyon na 11.45 milyong katao upang magkaroon ng herd immunity sa sakit.

Nasa 3.25 milyon katao naman sa Region IV-A ang nabakunahan na ng unang dose ng anti- COVID vaccines.

Sa kabuuan ay nasa 5.44 milyon indibiduwal mula sa A1 hanggang A5 vaccine priority sa rehiyon ang nabakunahan na laban sa virus.

Base sa pinakahuling datos, nakatanggap na ang CALABARZON ng halos 7.13 milyong doses ng COVID-19 vaccines.

Moira Encina

Please follow and like us: