2 buwang gulang na sanggol, patay sa landslide sa Lucena City, Quezon

Patay ang isang 2 buwang gulang na sanggol na kinilalang si Renzo Abas, matapos madaganan ng gumuho nilang bahay dulot ng landslide na nangyari sa Purok Munting Paraiso, Brgy. 1 sa Lungsod ng Lucena habang kasagsagan ng Bagyong Maring.

Ayon sa mga residente ng nasabing lugar, umaga pa lamang nang mapansin nila ang unti-unting paglambot ng lupa na sumusuporta sa pader ng katabing ospital.

Hanggang sa tuluyan nang gumuho ang lupa at direktang naapektuhan ang bahay ng pamilya Abas.

Agad naman rumesponde ang mga opisyal ng Barangay.

Samantala, nasa ospital din ang ama ng bata matapos magtamo ng mga sugat at galos sa katawan matapos maipit sa gumuho nilang bahay.

Napag-alaman na ang bahagi ng lupa na gumuho ay gagawing parking lot  ng katabing ospital sa nasabing Barangay.

Ulat ni: Russel Capili

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *