2-days Concert ng Fil-Am singer na si Bruno Mars, magsisimula na mamayang gabi

 

Magkakaroon ng dalawang  araw na konsyerto sa bansa ang  singer na si Bruno Mars.

Magsisimula mamayang gabi ang unang araw ng “24-K Magic concert’  ni Bruno Mars sa SM Mall of Asia Arena.

Pagkatapos nito ay dederetso naman ang singer-songwriter sa City of Dreams, partikular sa Chaos Manila Nightclub para sa after party.

Ayon sa MMI Live na siyang promoter ng nasabing concert, wala pang isang oras simula nang maging available sa publiko ang tickets para sa pagtatanghal ni Bruno Mars noong September 7, 2017 ay sold out agad ito.

Ito na ang ikatlong beses na bumisita si Bruno Mars, na isang half-filipino, sa bansa.

Kasalukuyang pino-promote ng singer ang kanyang  ikatlong album na “24k magic” kung saan kabilang ang kanyang mga hits na “Versace on the floor,” at “Finesse.”

 

=============

Please follow and like us: