$ 2-Million na inutang ng Pilipinas, inaprubahan na ng ADB

Iinaprubahan na ng Asian Development Bank (ADB) ang dalawang milyong dolyar o mahigit 102 milyong piso na inutang ng Pilipinas.

Para ito suportahan ang pagtugon ng bansa sa COVID-19 pandemic at maisaayos ang epektong idinulot ng pananalasa ng Bagyong Odette.

Ayon sa ADB , nasa ilalim ng Asia Pacific Disaster Response fund ang nautang na pondo.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng humanitarian assistance sa 15,000 kabahayan o 75,000 indibidwal na naapektuhan ng bagyo sa visayas at mindanao.

Habang magkakaroon din ng food vouchers para sa mga target na komunidad at pagbibigay ng logistics support sa food assistance delivery.

Please follow and like us: