2 nagpanggap na miyembro ng Iglesia Ni Cristo, arestado matapos mangikil ng tumatakbong vice mayor

Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Unit o CIDU ng QCPD sa Quezon City ang dalawang lalake na ito na nagpapanggap ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Kinilala ang mga suspect na sina Franklin Ednalig at Delson Jun Jun Paderes.

Nag-ugat ang kaso ng dalawa matapos na magpanggap ang mga ito na opisyal mula sa central office ng Iglesia Ni Cristo.

Inireklamo ang mga suspect dahil sa kanilang pangingikil sa isang tumatakbong Vice Mayor ng Bulacan kapalit ng di umano ng suporta ng INC sa kanilang biktima para sa darating na halalan.

Agad na nagkasa ng entrapment operation ang CIDU laban sa mga suspect at naaresto ang mga ito sa isang coffee shop sa UP Diliman kung saan dapat mangyayari ang pakikipagkita ng dalawang suspect sa kanilang biniktimang tumatakbong Vice Mayor sa Bulacan.

Nakakulong na ngayon sa Criminal Investigation Detection Unit ng QCPD ang dalawang suspect.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *