2 Ospital sa Maynila, nag-anunsyo ng limitadong serbisyo

Limitado muna ang serbisyo ng dalawang District hospital sa Maynila para bigyang daan ang decongestion at disinfection sa kanilang pasilidad.

Kabilang rito ang Gat Andres Bonifacio Medical Center sa Tondo at Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Binondo.

Sa inilabas na memorandum ng GABMC, nakasaad na limitado muna sa extreme cases ang mga tatanggaping pasyente sa kanilang emergency room epektibo nitong March 8.

Sa hiwalay na abiso naman ng Jose Abad Santos General Hospital, pansamantalang sarado mula Marso 10 hanggang 15 ang kanilang labor room, delivery room, complex/operating room para sa ob-gyne surgery.

Ito ay para bigyang-daan ang disinfection at paglilinis sa ospital at para na rin sa gagawing major repair sa pasilidad.

Umaapela naman ng pang- unawa sa publiko ang mga nasabing pagamutan kasabay ng apila sa ibang District Hospital sa Maynila na i-accommodate ang mga pasyente na mai-rerefer sa kanila.

Madz Moratillo

Please follow and like us: