20 pang Filipino sa ibang bansa, nagpositibo sa Covid-19

Naragdagan pa ng 20 Filipino sa ibang bansa ang nagpositibo sa Covid-19.

Dahil dito, batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), umakyat na sa 11,224 ang kaso ng Covid-19 sa hanay ng overseas Filipino hanggang kahapon, October 28.

Samantala, nakapagtala pa ng anim na Pinoy na nakarekober sa karamdaman kaya pumalo na sa 7,254 ang recovered cases.

Habang ang death toll ay umakyat naman sa 817.

Ayon sa DFA, ang Middle East at Africa ang may pinakamaraming kaso ng Covid-19 at recoveries.

Habang sa Amerika ay may pinakamababang kaso at recoveries ganundin sa Asia and the Pacific.

Ayon sa DFA, nananatili silang nakatutok sa kalagayan ng ating mga kababayan sa ibang bansa lalu na ngayong panahon ng Covid-29 Pandemic.

AddThis Website Tools
Please follow and like us: