20 panibagong hukom itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ibat ibang korte sa bansa

Dalawampung bagong hukom ang hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ibat ibang korte sa bansa.

Ito ay batay sa appointment letters na pirmado ng pangulo at ipinadala ng Malacañang kay Chief Justice Diosdado Peralta.

Karamihan sa mga bagong appointees ay para sa mga regional trial courts, municipal trial court in cities, at metropolitan trial courts sa CALABARZON partikular sa Tanauan at Lipa City sa Batangas, Bacoor City  at Cavite City sa Cavite, San Pablo City sa Laguna, Lucena City sa Quezon, at Antipolo City, Binangonan, at Taytay sa Rizal.

Nagtalaga rin ng mga hukom sa mga korte sa Cebu City, Davao City, Butuan City, Calapan  at Tacloban City.

Moira Encina

Please follow and like us: