20,109 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health ng panibagong 20,109 kaso ng Covid-19 ngayong araw.

May naitala ring bagong 20,089 na gumaling at 172 na mga pumanaw.

Dahil dito, pumalo na sa kabuuang 2,080,984 ang mga kaso ng Covid-19 sa bansa na may 157,438 active cases.

Habang umakyat naman sa 1,889,392 ang kabuuang nakarekober sa karamdaman.

Nasa 32,234 naman ang kabuuang mga pumanaw dahil sa virus infection.

Please follow and like us: