2016 Rio Olympics, ‘Di ipagpapaliban sa kabila ng pagkalat ng Zika Virus

Tuloy parin ang 2016 Rio Olympics, ayon kay Rio Spokesman Mario Andrada, may mga ginagawa na silang hakbang upang masigurong ligtas ang mga atletang dadalo.

Sa katunayan, simula noong nakaraang Linggo ay araw araw na silang nagkakaroon ng mga inspeksyon sa mga venue ng mga laro para panatilihing malinis ang mga ito at walang standing water na maaring pag itlugan ng mga lamok na may taglay na Zika Virus.

Ipinangako rin ni Andrada na ipagpapatuloy nila ang kanilang routine  hanggang sa pormal na pagbubukas nito sa Agosto 5.

Please follow and like us: