2020 National Budget, bubusisiin ni Pangulong Duterte bago lagdaan – Malakanyang

Hindi palulusutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang isiningit na pork barrel sa 2020 proposed national budget na nagkakahalaga ng 4.1 trilyong piso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na itinutiring ng Malakanyang na welcome development ang paglusot ng proposed national budget sa Senado. A

Ayon kay Panelo umaasa din ang Palasyo na agad na mapagtitibay sa bicameral conference committee ang proposed national budget.

Inihayag ni Panelo na bubusisiing mabuti ng Pangulo ang bawat item ng national budget at gagamitin ang kanyang line veto power sa mga matutuklasang isiningit na pork barrel.

Naniniwala ang Malakanyang na napakahalaga na mapagtibay on time ang 2020 proposed national budget para mapondohan ang mga mga intrastracture project at economic program ng administrasyon na mgadalala ng kaunlaran sa bansa.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: