2020 Technology Offering mula sa isang sangay ng DOST may malaking maitutulong sa food industry ng bansa


Sa pagtatapos ng taong ito, inilunsad ng industrial technology development institute o Itdi ng department of science and technology o dost ang 2020 technology offering.

Ayon kay Dr. Annabelle Briones, ang director ng Itdi, kabilang sa mga technologies na kanilang naidevelop ay tinawag nilang functional food, beverages, kasama ang kagamitang gumamit dito.

Kabilang sa naidevelop ng kanilang mga scientists at researchers ay isotonic drinks, coconut mungbean drink, ready to drink tablea, ready to eat food na tinawag na pack of hope tulad ng chicken arrozcaldo at smoked fish.

Bukod sa nabanggit ay naidevelop din nila ang tablea chocolate bar, gourmet salt, smoked salt gamit Ang equipment na ang tawag ay salt iodization.

Binigyang diin ni Briones na ang mga nabanggit na produktong naidevelop ng kanilang mga reseachers at scientists at may malaking maitutulong hindi lamang sa kalusugan kundi maging sa buhay at kabuhayan ng mga kababayan nating nasa larangan ng negosyo maliit man o malaki.

Belle Surara

Please follow and like us: