2021 National Budget na nagkakahalaga ng 4.5 trilyong piso, lalagdaan ni Pangulong Duterte ngayong araw

Nakatakdang lagdaan sa Malakanyang ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2021 National Budget na nagkakahalaga ng 4.5 trilyong piso.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na simpleng seremonya lamang ang gagawin sa budget signing.

Ayon kay Roque mayroong mga probisyon sa National Budget ang ibi-veto ni Pangulong Duterte.

Hindi naman tinukoy ni Roque kung anong probisyon sa National Budget ang ibabasura ng Pangulo.

Inihayag ni Roque talagang binubusisi ng Pangulo ang budget para hindi makalusot ang anumang probisyon na lalabag sa Saligang Batas.

Nakapaloob sa 2021 National Budget ang 72.5 bilyong pisong pondo na pambili ng bakuna laban sa COVID 19 para sa 60 milyong Pilipino.

Vic Somintac

Please follow and like us: