2022 Bar Exams ngayong Nobyembre, tuloy– SC

Inanunsiyo ng Korte Suprema na tuloy ang 2022 Bar Examinations na una nang itinakda sa darating na November 9, 13, 16, at 20.

Ang paglilinaw ay ginawa ng Supreme Court kasunod ng kahilingan ng ilan na ipagpaliban ang pagsusulit bunsod ng pananalasa ng Bagyong Paeng.

Aabot sa halos 10,000 ang examinees sa 2022 Bar Examinations.

Sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka na sa pinakahuling tala ay 9,916 ang inaasahan na kukuha ng pagsusulit.

Ayon sa opisyal, may orihinal na 10,075 approved applicants para sa Bar Exams ngayong Nobyembre.

Pero iniurong aniya ng ilang bar exam applicants ang kanilang aplikasyon.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *