23 pang mga Pulis, nakarekober sa Covid-19

Naragdagan pa ang mga pulis na nakakarekober sa Covid-19.

Sa tala ng Philippine National Police (PNP), nasa 23 pang mga pulis ang gumaling sa karamdaman kaya umakyat na sa 8,531 ang recovery cases sa kanilang hanay.

Samantala, naragdagan pa ng 16 mga pulis ang tinamaan ng Covid-19 kaya umakyat na sa 8,860 ang kabuuang kaso kung saan 302 rito ay aktibo.

Wala namang naitalang mga bagong namatay dahil sa virus kaya nananatili sa 27 and Death toll.

Nauna nang ipinahayag ng pamahalaan na kabilang ang mga uniformed personnel at mga pulis sa mga prayoridad na mabigyan ng bakuna kontra Covid-19.

Please follow and like us: