24/7 drive-thru vaccination site sa Quirino Grandstand hanggang 5pm ngayong araw

Abiso sa ating mga kababayan, ngayon na ang huling araw ng operasyon ng drive-thru COVID-19 vaccination site ng lokal na pamahalaan ng Maynila na nasa Quirino Grandstand.

Ang 24/7 drive-thru vaccination site na ito ay bukas para sa mga nais magpa booster dose pero dapat ang kanilang sasakyan ay 4 wheels.

Para sa mga gustong humabol, bukas ang vaccination site na ito, hanggang 5pm ngayong araw.

Ang site na ito ay bukas residente man o hindi ng Maynila.

Paalala naman ng Manila LGU, bukas parin naman ang iba pa nilang vaccination site sa Lungsod gaya ng kanilang health centers, malls at district hospitals.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: