24 patay sa Bus accident sa Ecuador

 

                                       photo credit: www.aljazeera.com

Patay ang 24  katao makaraang maaksidente sa Ecuador ang isang bus na may sakay na mga turista mula Colombia at Venezuela.

Bukod sa 24 na nasawi, mayroon pang 22  katao na nasugatan.

Ayon sa security secretary ng Capital city ng Ecuador na si Juan Zapata, karamihan sa mga biktima ay pawang Colombians.

Ang bus na mayroong foreign license plate ay bumabagtas sa kahabaan ng highway sa 30 kilometers east ng Quito nang mawalan ito ng kontrol at saka bumaligtad at bumangga sa tatlong mga bahay sa lugar.

Kabilang sa nasawi ang tatlong Ecuadorians at tatlong mga bata.

Inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga dayuhang nasawi para masabihan ang kanilang mga pamilya.

 

=============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *