24th Asean Economic Ministers Retreat at 16th Asean Economic Ministers-European Union trade commissioner Consultations meeting, isinasagawa ngayong araw

 

Isinasagawa ngayong araw sa Singapore ang 24th Asean Economic ministers’ retreat at ang 16th AEM-EU Trade Commissioner Consultations meeting.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Singapore Trade Minister Lim Hng Kiang sa nasabing bansa.

Dadaluhan ito ng iba’t-ibang delegado mula sa 10 Asean member state kabilang na ang 16 na Ministers mula sa Regional Comprehensive Economic Partnership participating countries.

Nakatakdang talakayin sa pagpupulong ang  mga isyung may kinalaman sa Asean Economic community kasama na ang implementasyon ng AEC Blueprint 2025, ang pagpapahusay pa ng Economic Trade and Investment at iba pang mga Priority deliverables na may kinalaman sa Chairmanship ng Singapore sa Asean ngayong taon.

Tatagal ang nasabing pagpupulong hanggang March 3, 2018.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *