25 paketeng hinihinalang cocaine natagpuan sa isang dalampasigan sa Matnog, Sorsogon

Inanod sa dalampasigan ang isang blue container na naglalaman ng 25 paketeng hinihinalaang cocaine at di shabu ayon sa mga otoridad.

Natagpuan ito ng isang Robert Frado Galvez sa baybaying sakop ng Sitio Juag, Bgy. Calintaan sa Matnog, Sorsogon.

Ayon sa isang intelligence officer ng Sorsogon provl intelligence branch at ng PDEA-ROV tumitimbang ito ng isang kilo ang naturang mga “white powder” bawat isang plastic. nakabalot sa isang brown packing tape at umaabot humigit kumulang 125 milyong piso.

Maari anilang nagkaroon ng transaksiyon sa gitna ng laot at sa kasagsagan ng mga pag ulang naranasan sa lalawigan ay nahulog, lumubog at tinangay ng malalakas na alon.

Enero 2, 2018 dakong alas dos ng hapon nang matagpuan ito.

Nasa pangangalaga na ng mga otoridad ang hinihinalang 25 pakete ng cocaine.

Ulat ni Orlando Encinares

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *