27-day old na sanggol sa Bay, Laguna, nakarekober sa Covid- 19

 

Nakarekober na mula sa Covid- 19 ang 27-day old na sanggol na lalaki mula sa Bay, Laguna.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Bay, negatibo na ang resulta ng swab test sa pasyente na taga- Brgy. San Antonio.

Ipinanganak noong April 18 ang sanggol sa isang ospital sa Los Baños.

Nilagnat ito nang maiuwi sa bahay at kinuhanan ng test noong April 24.

Dahil sa paggaling ng sanggol, isa na lamang ang aktibong kaso ng Covid sa Bay.

 

Ulat ni Moira Encina

 

 

 

 

Please follow and like us: