27th Meat Safety Consciousness week, ginunita

Ginugunita ng National Meat Inspection Service (NMIS) ng Department of Agriculture ang 27th Meat Safety consciousness week kasabay ng pagdiriwang ng kanilang 48th founding anniversary.

Tema ng selebrasyon na nataon sa nararanasang Pandemya ay “Sa Anumang Panahon, Malinis na Karne ang Layon”.

Tampok sa kanilang pagdiriwang ay bigyang-diin ang role na ginagampanan ng ahensya sa pagtiyak na ang mga Filipino consumers ay makakakuha ng de-kalidad, abot-kaya at wholesome meat sa kabila ng mataas na banta sa Food safety at Food security.

Ang Meat Safety Consciousness week ay ginugunita tuwing sasapit ang ikatlong lingo ng Oktubre alinsunod sa Proclamation no. 276 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Belle Surara

Please follow and like us: