2nd Dose Vaccination para sa A1 at A3 categories, isinagawa sa Southmall, Las Piñas City

Isinagawa ang 2nd Dose Vaccination sa SM Southmall para sa A1 at A3 Category,kabilang na ang Sampung ibang pang Vaccination Sites sa Lungsod ng Las Piñas.

Ayon kay Lea Endrina, team leader ng Encoding at Vaccine information, Pfizer ang ibinibigay na bakuna sa mga vaccine sa nasabing mall.

SOT..Lea Endrina, , team leader , Encoding at Vaccine information

Tulad ng unang proseso ng pagbabakuna, muling dadaan ang vaccines sa maayos na pagpila, registration, screening, counseling at pagtatanong ng mga nakatalagang doktor at health workers  sa lugar kung ano ang naging epekto sa kanila ng tinanggap na 1st dose.

At kung naging maayos naman ang kalagayan,  saka lamang muling pipila at maghihintay para sila ay mabakunahan na ng 2nd dose at pagkatapos ay saglit na magpapahinga sa monitoring area.

Samantala, matiyaga namang  naghintay ang mga kababayanan na babakunahan at walang bakas ng pagkainip hindi lamang dahil sa malamig ang kapaligiran kundi na rin sa maayos at mabilis na sistema ng pagbabakuna.

May nakatalaga ring mga security at PNP personnel para sa kaayusan at kung may mga katanungan pa ukol sa nasabing aktibidad.

Patuloy namang paalala ng Lokal na Pamahalaan na prayoridad nila na tiyakin ang seguridad sa kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga taga Las Piñas.

Ulat ni George Gonzaga

Please follow and like us: