3 katao sa Maguindanao, patay sa checkpoint kaugnay sa Election gunban

Tatlong lalaki ang patay matapos na makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa isinagawang checkpoint sa bayan ng Parang, Maguindanao.

Ito ay sa gitna pa rin ng ipinatutupad na Election gunban.

Batay sa kanilang record , sinabi ni Police Chief Supt. Ibrahim Jambiran ng Parang -PNP, sangkot ang tatlong di pa pinangalanang lalaki sa iligal na droga at miyembro ang mga ito ng isang Gun for hire group.

Narekober sa mga suspek ang dalawang baril at mga bala.

Samantala , arestado naman ang Cafgu na si Shielvert Polpol Onido sa Zamboanga del Sur at ang Security guard na si Peter Gumabil Andaloy sa Zamboanga del Norte dahil pa rin sa paglabag sa Election gunban.

Nakuha sa mga suspek ang kalibre 38 na revolver at mga bala.

 

================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *