3 katao sugatan sa karambola ng 4 na sasakyan sa Baguio City.

Sugatan ang tatlong katao sa karambola ng apat na sasakyan sa Bokawkan road Baguio City.

Kinilala ang mga sugatan na sina Jovento Toquero, Cesar Novillo at isa na kinilala sa apelyidong mader na isinugod sa Baguio General Hospital.

Nagdulot ang aksidente ng masikip na daloy ng trapiko sa lugar at pagkaputol ng supply ng kuryente matapos banggain ng isang truck ang mga poste ng kuryente .

Samantala ay nagdulot din ng ang ilang lugar sa Baguio katulad ng upper at lower P. Burgos,Bokawkan road at ilang mga sakop na barangay , na nagresulta ng pagkakaputol ng mga kable na nagkalat pa sa kalsada, pagkakasira ng ilang transformer, na kumalat din sa naturang kalsada.

Agad na rumesponde ang Benguet Electric company para ayusin ang mga nasirang mga kable at poste sa kalsada.

Patuloy na inaalam ng otoridad ang dahilan ng karambola kung saan nawasak ang harap at likod ng mga sasakyan samantalang bumaliktad pa ang isang truck sa bokawkan road.

Panawagan ng mga otoridad sa mga driver at motorista na magdoble ingat at mabagal lamang sa pagpapatakbo para iwas disgrasya o aksidente.

Ulat ni Freddie Rolluda

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *