3 kongresistang gustong maging House Speaker niligawan si Pangulong Duterte sa Japan para makuha ang basbas

Pinilit ng tatlong  kongresista na nag-aambisyong masungkit ang speakership sa mababang kapulungan ng kongreso na makausap si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan.
Sinabi ni dating Special Assitant to the President at Senator elect Bong Go na sumingit sa schedule ng pangulo sa Japan sina Congressmen Martin Romualdez, Alan Peter Cayetano at Lourd Alan Velasco para sa isang meeting. 
Ayon kay Go hinarap naman ng pangulo sina Romualdez, Cayetano at Velasco subalit wala pang binabasbasan kung sino sa kanila ang mamanukin ng malakanyang sa pagka-speaker. 
Inihayag ni Go na ayaw makialam ni Pangulong Duterte sa pagpili ng magiging lider ng mababang kapilungan ng kongreso. 
Hindi masabi ni Go kung inilatag ng tatlo ang kanikanilang agenda kapag naupong speaker ng magbubukas na 18th congress.

Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *