3 patay, 6 sugatan sa train crash sa Scotland

Tatlong katao ang nasawi nang madiskaril ang isang pampasaherong tren sa Northeast Scotland.

Ang aksidente ay kasunod ng magdamag na malakas na mga pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng rehiyon.

Ayon sa awtoridad, nangyari ang aksidente malapit sa bayan ng Stonehaven na nasa 25 kilometro timog ng South Aberdeen.

Pinaniniwalaang ang driver ng tren ang isa  anila sa nasawi sa aksidente habang anim na iba pa ang nasugatan at isinugod sa ospital.

Ayon pa sa mga opisyal, naganap ang aksidente sa lugar kung saan mahirap ma-access ng emergency services.

Please follow and like us: