30 Infrastructure project ng gobyerno, ilulunsad ngayong taon

                                                    photo credit: adb.org

Nakatakdang ilunsad ngayong taon ang karagdagang 30 imprastraktura sa ilalim ng programa ng build, build, build program ng gobyerno.

Ayon kay Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia bahagi lamang anila ito ng pagpapalawak ng programa kung kayat dapat na maging handa ang Philippine Labor market para mapunan ang kakulangan sa manpower ng Infrastructure program ng bansa.

Ilan sa mga nakatakdang itayong infrastraktura ngayong taon ay ang Clark International airport expansion project na nagkakahalaga ng 9.4 billion pesos.

Nasa kabuuang higit 50 bilyong piso ang mga nasabing karagdagang ilulunsad na proyekto ngayong taon na makakatulong sa kaginhawaan ng mga Pilipino.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *