300 residente ng SJDM, Bulacan, napagkalooban ng tulong sa ilalim ng Sustainable Livelihood program

Nakatanggap ng livelihood cash assistance ang 300 benepisyaryo ng San Jose Del Monte City sa Bulacan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Pamahalaang Panglungsod.

Ayon kay Mayor Arthur B. Robes, katuwang ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa pamamahagi ng tulong bilang suporta sa kanilang kabuhayan at upang maitaguyod ang kanilang mga pamilya.

Isa sa mga nanguna sa pamamahagi ng tulong ay si Congresswoman Rida Robes na isa sa mga Principal Author ng Bayanihan to Heal Act as One.

Ces Rodil, SJDM Correspondent

Please follow and like us: