300 textbooks ipinamahagi sa 14 na Day care center sa Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite

Nasa 300 mga libro o textbooks ang ipinamahagi ng General Emilio Aguinaldo, Cavite Local Government sa 14 na Day care center sa kanilang bayan.

Ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa pagbubukas ng klase ng sa mga Day care center sa Lunes, October 19.

Ayon kay Mayor Nelia Bencito Angeles, may mga karagdagan pang kopya ng textbooks ang darating upang makasapat sa bilang ng mga batang nag-aaral sa mga Daycare centers sa kanilang bayan.

Kinumusta na rin ng alkalde ang paghahanda ng bawat daycare worker ngayong ipinatupad ng DepEd ang Blended learning system.

Jet Hilario

Please follow and like us: