31 PDLs sa Bilibid, nagpositibo sa Rapid Antigen test

Inilagay sa isolation area ang mga inmates sa New Bilibid Prison na nagpositibo sa Rapid Antigen test.

Ayon sa Bureau of Corrections Public Information Office, 31 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang nagpositibo sa isinagawang rapid test sa Bilibid

Kaugnay nito, sumailalim ang mga nasabing PDLs sa RT- PCR confirmatory test.

Nakatuwang ng BuCor ang DOH sa pagsailalim sa mga PDLs sa COVID test.

Ang mga magnenegatibo ay pababalikin sa kanilang selda habang ang magpoposito sa virus ay mananatili sa isolation facility.

Tiniyak ng BuCor na mahigpit nilang ipinapatupad ang mga precautionary measures para maiwasan ang pagkalat ng COVID.

Moira Encina

Please follow and like us: