38 staff ng Aklan Provincial Hospital, nakitaan ng sintomas ng Covid 19

38 staff ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital ang nakitaan ng sintomas ng Covid 19.

Tatlumput-walong staff ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital ang nakitaan ng sintomas ng Covid 19.

Ito’y matapos na magpositibo rin sa Covid 19 ang pito nilang staff na pawang laboratory personnel mula sa bayan ng Kalibo.

Sa ngayon ang 3rd floor ng nasabing ospital ang magiging isolation rooms ng mga staff na nakitaan ng sintomas.

Samantala, hindi na muna pinapayagan ang pagbisita sa nasabing ospital at limitado na rin ang admission subalit patuloy naman ang pagtanggap sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang medikasyon.

Patuloy naman ngayon ang ginagawang contract tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito.

Nagpaalala rin ang Provincial Health Office Aklan na seryosohin ang pagsunod sa health protocol para maiwasan ang pagkahawa sa nasabing sakit.

Ayon sa PHO Aklan ito ang kauna-unahang kaso ng local transmission ng Covid 19 sa probinsya.

(Grace Ann Ramos, Aklan eaglnenews correspondent)

Please follow and like us: