39 katao, patay sa pagsabog sa Syria

                                           photo credit: www.telegraph.co.uk

 

Aabot sa 39 katao ang patay kabilang ang 12 bata sa pagsabog sa probinsya ng Idlib sa Syria.

Ayon sa mga otoridad, dahil sa pangyayari ay tuluyang gumuho ang gusali sa lugar na hinahawakan ng mga rebelde.

Bukod sa mga namatay ay maraming mga tao rin ang naiulat na nawawala.

Ayon kay Hatem Abu Marwan, miyembro ng Idlib Civil Defense team, puno ng mga sibilyan ang gumuhong gusali.

Ang Idlib ay siyang tanging lugar sa Syria na hawak pa rin ng mga rebeldeng grupo.

 

===========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *